Saturday, November 18, 2017

Alamat ng Mindoro

Ang Mindoro ay mula sa salitang kastilang "mina de oro; na ang ibig sabihin ay mina ng ginto. Bagaman andpulong ito ay hindi nagtataglay ng ginto, itinuturing itong minahan dahil sa angking likas na yaman.

Narito ang alamat tungkol sa isla ng Mindoro na matatagpuan sa katimugang Luzon.

Noong unang panahon ay walang pangalan ang iba’t ibang lugar sa kapuluaan ng Pilipinas. Karaniwangitinuturo lamang ang isang lugar sa pamamagitan ng; sa kabilang ibayo, sa paanan ng bundok, sa kabilangpulo, at iba pa.
Sa isang malayong pulo ay may nakatirang mag-asawa na ang pangalan ay Mina at Doro. Sila ay maymalaking tahanan sa may pampang ng ilog. Marami silang alagang hayop. mayroon din silang malawak napalayan. Masasabing nakaaangat sa pamumuhay ang mag-asawa. Ngunit ang nakahihigit na katangian ngmag-asawang ito ay ang kanilang kabutihan. Sinuman ang nangangailangan ay kanilang tinutulungan.
Bukod sa mag-asawa ay may isa pang naninirahan sa pulo. Tulad nila, pawang mayayaman ang mga ito atnaglalakihan ang mga bahay. Ngunit kaiba kina Mina at Doro, ang mga kapitbahay nila ay pawangmakasarili.  Wala  silang  panahon  upang  tumulong  sa  kanilang kapwa  dahil  para  sa kanila  ay isangkaabalahan ang pagtulong sa anak-dalitang kababayan.
Minsan ay naiisip ni Bathala na subukin ang taong naninirahan sa pulong iyon. Bumamaba siya sa langit atnag-anyong pulubi.
Kumatok si Bathala sa tahanan nina Mina at Doro. "palimos po", ang kanyang wika. " Ako’y nagugutom".
"Pumasok na po kayo," ang wika ng mag-asawa at kaagad itong hinainan ng makakain.
Nasiyahan si Bathala. Kinain niya ang mga pagkain sa hapag-kainan. Natutuwang pinananood siya ng mag-asawa habang kumakain ngunit nagtaka ang mga ito nang mapansing habang patuloy na kumakain angmatanda ay tila hindi nababawasan ang pagkain sa hapag.
Matapos kumain ay nagpakilala si Bathala. "Kapuri-puri kayong mag-asawa. Humiling kayo at ito ay akingipagkakaloob.
"Nagpasalamat ang mag-asawa. "Ang tangi po naming kahilingan ay pagsamahin kaming mag-asawa hanggangkamatayan, "ang wika nina Mina at Doro.
Sumunod ay nagtuloy si Bathala sa mga katabing bahay. Siya ay kumatok "tao po," ang kanyang tawag,"palimos po".
A" Alis diyan, alis, "pabulyaw na sigaw ng maybahay.
"Sulong! Hampas-lupa! Layas!" ang sabi naman ng iba.
Bukod kina Mina at Doro ay wala nang nagpatuloy pa sa matandang pulubi. sa ganotoy nagalit si Bathala.
Noon  din  ay  kumulog at   kumidlat  nang  malakas.  Tinamaan  ng  kidlat  ang   mga kabahayan  at  mgapunungkahoy. natakot ang mga tao at hindi malaman ang gagawin. Tanging ang tahanan nina Mina at Doroang nakaligtas.makaraan ang ilang sandaling pag-unos ay muling tumahimik ang pulo.
Nagbalik sa mag-asawa si Bathala at nagwika. " Mula ngayon ay magkakaroon ng saganang likas na yamansa pook na ito. At mula rin ngayon ay tatawagin ang pulong ito ng Mindorobilang alaala ng inyongpangalang Mina at Doro

No comments:

Post a Comment