Saturday, November 18, 2017

Palawan March

Tindig mga kaibigan
tayo ay umawit at magbigay galang.
Lahat nating panauhin
batiing malugod at pasalubungan.
Nitong awit na matimyas
hindi kumukupas magpakailan pa man.
Nang dito sa atin ay mawiwiling tunay
At di na malimot ang Palawan.

Chorus:
Ang lahat ng hirap ay hindi alintana
Makapiling ka lang kahit sandal sinta
Lalo na’t kung kayakap kita

II
Giliw, halina’t umindak,
Paa ay ihakbang kamay ay ikumpas,
Himig ng tugtog ay sundan
Ating ipagdiwang
Panauhing lahat

III
Ganyan ang nais ko sinta
Sigla’y walang bawamagpakailan pa man
Nang dito sa atin ay mawiwiling tunay
At di na malimot ang Palawan

IV
Mga pusong naririto
Ang pinanggalingan iba’t-ibang dako
Wika ay magkakaiba maging sa ugali

Maging sa pagsinta, ngunit iisa ang layon
Iisa ang tukoy ang diwa’y iisa
Tulungang umunlad
Mga nayo’t bayan tanghaling dakila
Ang Palawan(3x)


Repeat chorus

No comments:

Post a Comment