Saturday, November 18, 2017

Sulong Romblon

Sulong Romblon sa bawat mithiin
Ng isang tunay na pag-unlad
Bawat hakbang ay ating unahin
Ang kagalingan ng lahat
Sa puso ng arkipelago
Pintig ng pag-asa’y taglay
Sa lalawigang pulo-pulo
Pangarap ay mabubuo

Chorus 1
Mga dagat na sa ati’y naghihiwalay
Ay biyayang sa ati’y nag-uugnay
Lahat ng panahon ay maghahawak kamay
Romblon Sulong sa tagumpay!

Chorus 2
Sa pagkakaisa’t tulungan
Kaunlara’y makakamtan
Matatawid laot ng mga pagsubok
Sa gitna ng dilim at unos

Sulong romblon sa bawat mithiin
Ng isang tunay na pag-unlad
Pangalagaa’t laong pagyamanin
Kultura’t mga yamang likas
Salita man nati’y iba-iba
Sa pangunawa’y nagkakaisa
Sabay-sabay na maglalayag
Sa isang masaganang bukas

Repeat Chorus 1 and Chorus 2

Sulong Romblon Sulong!
Sulong Romblon Sulong!
Sulong Romblon Sulong!


Ngayon

No comments:

Post a Comment