HEGANTES - GASAN
Samantala, sa Gasan din
makakapanood ng mga Higantes tuwing Niños Inosentes. Ito ay mga higanteng
pigura ng lalaki at babae na isinusuot ng hermano at hermana bilang bahagi ng
kanilang banal na panata. Si Hermano Francisco Vito at Eutiqueño Vito ang nagpasimula
ng Higantes Festival noong Disyembre 28, 1970. Naglilibot sila sa mga
bahay-bahay kasama ang Sto. Niño ay ang halagang natitipon nila ay ibinabahagi
nila sa lahat at iniaalay sa simbahan.
GASANG GASANG FESTIVAL
Ang Gasang Gasang Festival ay isa
sa pinaka highlight ng pagdiriwang ng Semana Santa sa Bayan ng Gasan, Lalawigan
ng Marinduque. Ito ay ginaganap sa Linggo ng pagkabuhay bilang pagbibigay
galang sa pagdiriwang ng muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.
Ang Gasang Gasang Street Dancing
Festival ay nagtatampok sa 25 Barangay ng Gasan, Bahi, Masiga, Mangiliol,
Libatangin, Cabugao, Tapuyan, Bangbang, Pangi, Dili, Brgy. Uno, Brgy. Dos,
Brgy. Tres, Bachao-Ibaba, Bachao-Ilaya, Bognuyan, Tabionan, Bacongbacong,
Pinggan, Dawis Banuyo at Antipolo.
No comments:
Post a Comment