Ang pangalang Mindoro ay nagmula sa salitang kastila na “Mina de Oro” o mina ng ginto. Tinawag din itong “Mai” ng mga sinaunang mangangalakal na intsik. Ang kahalagahan ng Mindoro ay nagmula pa nong bago dumating ang mga Kastila. Ang kanais-nais na kahalagahan nito ay dahil sa heograpikong kinalalagyan, nagsilbi itong sentro ng kalakalan ng mga kalakal ng intsik. Mas maaga pa mula noong 872 A.D., ang Mindoro ay nakikipag kalakal sa mga Kanton dahil sa lapit nito sa isa’t-isa. Ang ulat noong 1225 A.D. ng mga intsik ang nagbigay ng unang dokomentadong katibayan ukol sa isla ng Mindoro. Sunod sa umiiral na ruta ng mga sinaunang panahon, ang mga barko ay naglalayag mula sa hilaga haggang sa kanlurang bahagi ng baybayin sa Mindoro, na kung saan mayroong maraming naninirahan sa sentro ng bayan. Para sa mga produktong beeswax, perlas, bakya at talukab ng pagong, ipinapalit naman ng mga intsik ang mga porselana, sutla at tsaa.
Noong ika labing apat na siglo, ang eperyo ng Madjapahit ang namamahala sa pagpapalawig mula sa Borneo hanggang Mindoro. Noong Mayo 8, 1570, si kapitan Martin de Goite kasama ni Juan Salcedo ay ginalugad ang kanlurang bahagi ng Mindoro. Noong 1591, ng hinati ng mga Kastilang “conquistadores” ang Pilipinas sa labing-isang probinsya, ang Mindoro ay isinama sa pangkat ng Calilaya, Lubang, Batangas, pulutong ng Calamianes at Marinduque. Itinatag sa Calavite ang ikatlong distritong Eklesiastikong kapuluan ng Pilipinas ng mga rekolektong prayle noong ika 18 ng Hunyo, 1677. Ang Mindoro ay naging bahagi ng probinsya ng Batangas ng ang huli ay ginawang hiwalay na probinsyang tinawag na Bonbon. Sa simula ng ika-17 siglo, ang isla ay ihiniwalay mula sa Batangas at binuo na isang “Corrigimento” kasama ng Puerto Galera bilang kabisera, at napa-ilalim sa nasasaklawan ng Marinduque.
Nang masakop ng mga Amerikano ang Mindoro noong 1889, nagtayo sila ng pamahalaang military sa isla hanggang sa magumpisa ang pamahalaang sibil noong Hulyo 4, 1901. Nagkaroon din ng makasaysayang bahagi ang probinsya noong ikalawang digmaang pandigdig. Ang nakakatindig balahibong kagitingan ng mga bayaning lumaban kasama ng mga sundalong Amerikano laban sa pananakop ng mga Hapones. Mula sa Leyte, isinagawa ng pwersa ni Douglas McArthur ang ikalawang paglapag “second landing” sa timog na bahagi ng probinsya noong Desyembre 15, 1945 patungo sa pagpapalaya ng bansa mula sa pananakop ng mga Hapones.
Noong ika-15 ng Nobyembre, 1950, ang Mindoro ay hinati sa dalawang probinsya: ang Oriental Mindoro at Occidental Mindoro. Ang San Jose ay ginawang kabisera ng Occidental na sa kalaunan ay inilipat sa Mamburao noong Enero 1, 1961, At Calapan naman ang kabisera ng Oriental na sa kasalukuyan ay isa ng siyudad.
No comments:
Post a Comment