Bago dumating ang mga kastila sa Pilipinas, ang Romblon ay tirahan na ng mga Negritos mula sa Panay at mga Mangyan mula naman sa Mindoro, at sa huli ng mga tao mula sa Malay. Pinaniniwalaang tirahan na ang Romblon mula pa noong panahong Neolitiko dahil sa mga itim na batong adze na artipak na natapuan dito kahit pa ang pagpapatunay dito ay di pa sigurado.
Isa sa mga kwento ng pinanggalingan ng pangalan ng Romblon ay isang pangyayari na sinasabing naganap pagkatapos dumating ng mga Kastila. Sinasabi sa kwento na isa sa mga Kastila ay naghahanap ng pagkain at nakakita ng isang kubo. Nakakita siya ng isang inahing manok sa pugad malapit sa bintana, tinanong niya ang may-ari kung pwede nya itong makuha. Di naunawaan ng batang babae ang sinabi nito kaya sumagot na lang ng “Nagalomlom” (Bisayan word for nagalimlim). Dahil di nakuha ng lalaki ang manok, bumalik na lamang ito sa kanilang barko; at ng tinanong siya kung saan nangaling, ang isinagot niya: “Nagalomlom” Sa katagalan ito na ang itinawag sa isla ng mga kastila. Sa pagdaan ng taon, “Nagalomlom” ay nabaluktot sa “Lomlom” pagkatapos “Domblon” ant sa katapusan “Romblon,” na sa ngayon ito na ang pangalan ng probinsya. Ang lugar na “Domlon” ay nabanggit ni Miguel de Loarca sa census noong 1582.
Ang Recoletos ng Augustinian ay nagtatag ng Kristianismo sa tatlong bayan – Banton, Romblen at Cajidiocan noong 1635. Subalit ang mga nayon ay sinasalakay ng mga piratang Muslim. Kaya, noong 1650, ang mga kastila ay nagtayo ng kuta sa Romblon at isa pa sa isla ng Banton.
Noong panahon ng digmaang Pilipino at Amerikano, ang Romblon, bilang bahagi ng Capiz ay pinangasiwaan ni Heneral Mariano Riego de Dios, ang pinuno ng mga rebolusyonaryo ng Bisayas.
Sinakop ng mga Hapones ang Romblon noong 1942, hanggang sa ang probinsya ay napalaya pagkatapos ng labanan sa dagat ng Sibuyan noong Oktobre 24, 1945.
Ang pagwawakas ng digmaan ay tumatak sa pagpapanibago ng lugar. Naibalik ang katayuan ng Romblon bilang probinsya noong 1947 at ang mga bayan nito ay naibalik noong 1940.
No comments:
Post a Comment