Wednesday, November 22, 2017

Marinduque-Boac Festivals

BILA- BILA FESTIVAL
Tuwing Disyembre ipinagdiriwang ang Bila-bila Festival sa Marinduque ito'y ginaganap tuwing pista ng Boac
Ang kaganapan ay nakasentro sa pag-aalaga ng mga paru-paro (bila-bila, mother tongue) ang mga pagpaparami nito ay isa sa mga pangunahing industriya ng lalawigan.
Ang mga bata  at mga lokal na mananayaw ay nagsusuot ng mga makukukulay na kasuotan na parang isang paru-paro at ito ay pumaparada sa buong bayan bilang bahagi ng street dance tuwing kapiyestahan ng bayan nb Boac.



BULATING FESTIVAL

Ang Bulating Festival ay nagsimula sa Barangay ng Malbog sa bayan ng Boac at ito ay nahihintulad sa Boling Boling Festival ng Catanuan, Quezon.  Ang boling sa Visayan Laguage ay “Dirt” o dumi.  Sila ay nagpapahid ng putik sa buong katawan.


Idinaraos ito tuwing Miyerkules Santo hanggang sa magwakas ang pagdiriwang ng Semana Santa.

No comments:

Post a Comment