Saturday, November 18, 2017

Kasaysayan ng Marinduque


Ayon sa alamat, ang Marinduque ay nabuo mula sa kinahinatnan ng isang trahedya ng  pag-iibigan sa pagitan ng dalawang tao: Mariin at Gatduke.   Ang tatay ni Mariin ay isang pinuno, na ayaw pumayag sa pagmamahalan ng dalawa at nag-utos na pugutan ng ulo si Gadduke.  Subalit bago ito naganap, ang magkasintahan ay naglayag sa dagat at nagpakalunod, ang mga diwata ay naawa sa kanila kaya nagiwan ito ng isang tanda na hugis puso sa lugar, kung saan sila ay nalunod.  At ang islang iyon ay tinawag na Marinduque, ang magkasamang pangalan ng dalawang magkasintahan.

Noong panahon ng mga Kastila at unang pananakop ng mga Amerikano, ang Marinduque ay bahagi ng probinsya ng Balayan (Batangas) noong ika-16 na siglo, ng Mindoro noong ika-17 na siglo, at nagkaroon ng maikling panahon ng hiwalay na lalawigan noong 1901, ang dumating ang mga Amerikano.

Noong panahon ng digmaang Pilipino at Amerikano, ang Marinduque ang unang isla na mayroong  kampo ng mga Amerikano, Ang Marinduque ang lugar na pinangyarihan ng “labanan sa Pulang-lupa”, na kung saan ang 250 sundalong Pilipino sa ilalim ng pamumuno ni Koronel Maximo Abad, ay nagapi ang maliit na bilang na 54 na mga sundalong Amerikano.  Si koronel Abad ay sumuko noong 1901

Makalipas ang apat na buwan, ang probinsya ang naging bahagi ng lalawigan ng Tayabas (Quezon).

Noong ika-21 ng Febero, 1920, ang batas bilang 2280 na ipinasa ng batasang pambasa ng Pilipinas, ay ibinalik ang pagsasarili ng lalawigan ng Marinduque.

Noong 1942, ang sundalong imperial ng hapon ay lumapag sa Marinduque.

At noong 1945, ang pinagsamang hukbong Amerikano at ng republika ng Pilipinas ay  sumalakay sa mga sundalong hapones at napalaya ang Marinduque noong ikalawang digmaang pandaigdig.

No comments:

Post a Comment