Ang kasaysayan ng Palawan ay makikita 22,000 taon ng nakalilipas na napatunayan ng pagkatuklas ng mga fossil ng mga Taong Tabon sa Quezon. Bagama't ang pinagmulan ng mga ito ay hindi pa napapatunayan, pinaniniwalaan na nagmula sila sa Borneo.
Marami ring salin ang pinaniniwalaang pinagmulan ng pangalan na "Palawan". Pinaninindigan ng iba na nanggaling ito sa salitang Intsik na "Pa-Lao-Yu" na nangangahulugang "Land of Beautiful Harbors". Ang iba naman ay naniniwala nanggaling ito sa salitang Indiyano na "Palawans" na ibig sabihin ay "Territory". Sinasabi rin ng iba na nanggaling ito sa pangalan ng halaman na "Palwa". Ngunit ang pinaka-popular na paniniwala ay nanggaling ito sa salitang Kastila na "Paragua" dahil ang hugis daw Palawan ay kamukha ng payong na nakasara.
Bago pa dumating ang mga Kastila, nagkaroon ng pamahalaan ang mga katutubo, alpabeto at sistema ng palitan sa mga "sea-borne merchants". Nang dumating na ang mga Kastila, ang hilagang bahagi ay natalaga bilang "Calamanes Group", ang timog naman ay nanatiling parte ng "Sultunate of Sulu" noong ika-16 na siglo. Ang mga Kastila ay gumawa ng muog sa Taytay, na naiebedensyahan ng muog na tinawag na "Fort Santa Isabel", na itinalaga sa kabisera ng Calamanes noong 1818. Subalit, ang mga Amerikano na ang nagtatag ng lalawigang Paragua noong 1902, na ang Cuyo ang kaniyang kabisera. Sa huli noong 1905, ginawang Palawan ang pangalan at ang kabisera ay nilipat sa Puerto Princesa sa kapangyarihan ng RA 1363.

No comments:
Post a Comment