KANGGA FESTIVAL
Ang kangga ay isang katutubong sasakyan
na ang paggamit ay mula pa sa mga ninuno ng mga taga-Marinduque. Ito ay gawa sa
kawayan na hinihila ng kalabaw at maaaring pagsakyan maging ng mga produktong
pang-agrikultura. Sa pagnanais na mapangalagaan ang kanilang kultura at
magbigay parangal sa mga magsasaka lalo na sa Patron ng kanilang bayan na si
San Isidro Labrador, pinasimulan ni G. Jun Lavares ang Kangga Festival sa
Mogpog sa tulong na rin ng noo'y miyembro ng Sanggunian Bayan na si G. Senen
Livelo, Dr. Reynaldo Menorca, Dr. Homer Montejo, G. Galileo Lavares at G.
Florito Molbog. At dahilan sa kasigasigan ng mga taga-Mogpog sa paglinang ng
kanilang mga matandang kaugalian at relihiyosong tradisyon, naging isang
matagumpay na pagdiriwang din ang Kangga Festival na ngayon ay maligaya at may taus-pusong
pasasalamat na idinaraos taun-taon para sa Panginoon,
PISTA NG MORIONES
. Ang Pista ng Moriones ay isa sa
makukulay na pagdiriwang sa pulo ng Marinduque. Ang Morion ay nangangahulugan
“maskara”, na parte ng armor ng Romano na ipinapantakip sa mukha noong panahong
Medyibal. Ang Moriones ay ang mga taong nakasuot ng maskara at nakagayak, na
nagmamartsa paikot sa bayan, sa loob ng pitong araw sa paghahanap kay Longhino.
Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nagsisimula sa Araw ng Lunes Santo at
nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay.
No comments:
Post a Comment