TUBA
FESTIVAL
Mayo 2008 nang isilang ang Tuba
Festival sa Bgy. Bagacay ng Buenavista. Pinangunahan ito nina G. Reynaldo
Monsanto, G. Sonny Arevalo at G. Carlos Tecson na bumuo ng grupo para
makapagbigay kasiyahan tuwing sumasapit ang kapistahan ng Patron na si San
Isidro Labrado. Tuba at pangangarit ang pangunahing hanap-buhay sa Bagacay kaya
nang likhain ang kanilang street-dancing sa tulong ng mga guro na sina G.
Francis Quindoza at G. Marino Medina, ang mga mananayaw ay nakasuot ng mga
kasuotang gawa mismo sa bao, tistis at iba pang bahagi ng niyog. Naging matagumpay
ang festival na bukod sa Earth Management and Recycling Technologies na
nagbigay pinansiyal na tulong dito, nakasuporta rin ang pamahalaang bayan ng
Buenavista. Madalas na maimbitahan ang mga mananayaw ng Tuba Festival sa
Bellarroca Resort and Spa, ang lifestyle island resort na kabilang din sa
ipinagmamalaki ng Marinduque.
STO.
NIÑO FESTIVAL
Ang Sto. Niño ay ang
pinakamatandang imahe ng mga Katoliko dito sa bansang Pilipinas. Nagpapatunay
ito na ang mga Pilipino ay isang relihiyosong mamamayan. Ang santong ito ay
dinala sa ating bansa noong taong 1521 ni Ferdinand Magellan.
Buwan ng Enero ito
ipinagdiriwang. Nagsisipaglahok dito ay ang mga barangay ng Buenavista.
No comments:
Post a Comment