KASAYSAYAN NG REHIYONG MIMAROPA
Noong Mayo 17, 2001, sa bisa ng Executive Order bilang 103, ang Rehiyon IV (Dakong Timog Katagalugan) ay hinati sa Rehiyon IV-A (CaLaBarZon) at Rehiyon IV-B(MiMaRoPa) na sa ngayon ay tinatawag na Rehiyong MIMAROPA.
Nagbigay ng Utos Pampangasiwaan bilang 103 (EO103) si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong ika-17 ng Mayo, 2001 na naghahati sa lalawigan ng dakong timog katagalugan na kasama sa Rehiyon IV upang gawing dalawang rehiyon – Rehiyon IV-A at IV-B – upang isulong ang kahusayan sa pamahalaan, mapabilis ang panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad at mapabuti ang mga serbisyong pampubliko. Ang Rehiyon IV-A na kilala bilang CALABARZON na tumatayo para sa lalawigan ng CAvite, LAguna, BAtangas, Rizal at QueZON. Ang Rehiyon IV-B naman ay kilala bilang MIMAROPA, tumatayo para sa mga lalawigan sa isla na kinabibilangan ng MIndoro (Oriental at Occidental), MArinduque, ROmblon at PAlawan.
No comments:
Post a Comment